Islamic Lessons for ANG PAGSALAH NG WITR
Ang witr ay nangangahulugan ng gansal o odd numbers.
At ito rin ang dahilan kung bakit tinawag na Salatul Witr ang salah sa gabi na may gansal na rak'ah.
عَنْ عَلِيٍّ قَالَ : الْوِتْرُ لَيْسَ بِحَتْمٍ كَصَلَاتِكُمُ الْمَكْتُوبَةِ، وَلَكِنْ سَنَّ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ وَقَالَ : " إِنَّ اللَّهَ وِتْرٌ يُحِبُّ
الْوِتْرَ، فَأَوْتِرُوا يَا أَهْلَ الْقُرْآنِ ".
سنن الترمذي 453
Sinabi ni Ali ibn Abi Talib (R.A.): "Ang witr ay hindi obligado na tulad ng limang pagdarasal subalit ito ay ginawang sunnah ng mahal na Propeta at kanyang sinabi: ["Katotohanang ang Allah ay witr (gansal/iisa) at kanyang minamahal ang witr (salatul witr) kaya mag salah kayo ng witr, O mga tagapangalaga ng Qur'an"]".
Sunan Tirmidhi 453 (Saheeh)
ORAS NG WITR
- Pagkatapos ng Isha at ang sunnah nito hanggang Fajr.
BILANG NG RAK'AH NITO
- 1/3/5/7/9/11/13 Rak'ah
PAMAMARAAN NG PAGSASALAH NITO
- Mag salah ng tig dadalawang rak'ah depende sa bilang ng Rak'ah na gusto mong pagsalahan.
Halimbawa: Gusto mong mag salah ng 5 Rak'ah na witr, magsasalah ka ng dalawang rak'ah at mag tasleem, tapos mag salah ka ulit ng dalawang rak'ah at mag tasleem, tapos magsalah ka ng isang rak'ah at magtasleem.
At ganoon rin sa ibang bilang ng rak'ah na gusto mo kung 7 rak'ah ay ganito: 2-2-2-1 Rak'ah.
- Maari ring mag salah ng salatul witr na iisa lamang ang tasleem. Halimbawa: Gusto mong mag salah ng 5 Rak'ah, magsasalah ka ng limang rak'ah at hindi ka mag tatashahhud maliban sa pang limang rak'ah at pagkatapos ay magtasleem ka. Kung 7 Rak'ah naman ay magsasalah ka ng 7 Rak'ah at hindi ka magtatashahhud maliban sa pang 7 Rak'ah at pagkatapos ay magtasleem ka. Pwede mong gawin iyon maliban kung 9 na Rak'ah ang gusto mong gawin o higit pa (11/13 Rak'ah). Ibig sabihin kung ito ang bilang ng Rak'ah ang gusto mo ay magsasalah ka ng 8 Rak'ah na hindi ka magtatashahhud maliban sa pang 8 Rak'ah at pagkatapos ay tatayo ka para sa pang 9 na Rak'ah at mag tatashahhud ka ulit at magtasleem. Ganoon rin sa 11 Rak'ah mag tatashahhud kalang sa pang 10 Rak'ah at pang 11 Rak'ah at mag tatasleem. Sa 13 Rak'ah witr naman ay magtatashahhud kalang din sa pang 12 at pang 13 na Rak'ah at magtatasleem.
KAHALAGAHAN NITO
Sinuman ang mag salah ng witr ay para na niyang napagsalahan ang buong gabi na iyon.
•Sa pagsasalah natin ng Taraweeh ay ang nakasanayan nating bilang ng Rak'ah ay 11 Rak'ah, 8 Rak'ah dito ay taraweeh at ang huling tatlong Rak'ah ay witr.